reposting from other thread, mukhang dito kasi may sumasagot:
naka-6months na ang helper ko sa akin.
now I gave her 2 options:
1. increase her suweldo
2. give her SSS, na ako lahat ang magbabayad including her supposed-to-be contribution, ako na ang magsho-shoulder
by the way, I also told her na nagbibigay talaga ako ng 13th month bonus.
so anyways, ang pinili nya nung una is SSS na lang daw. then when I discussed with her na ang babayaran ko monthly would be almost P400, based sa suweldo nya na P3,500 monthly ang employer contribution would be around P2++ then employee contribution would be P1++, so almost P400 nga ang total ng babayaran ko. aba, after a day, kinausap ako, wag na lang daw SSS, mas kailangan daw nya ng cash. then sinabi ko in that case, iincrease-san na lang kita kako ng P200, bale P3,700 ang suweldo nya.... aba akala daw nya yung P400 ang idadagdag ko kung hindi daw nya i-avail ang SSS.
nagpintig ang tenga ko, sabi ko, kung ayaw mo i-avail kako ang SSS, hindi ko ili-liquidate ang benefit na yan, now gang P200 lang kako ang increase ko sa iyo... sa isip isip ko, suwerte mo nga eh, yung iba dyan P2,500 lang ang pasuweldo ng amo eh
kaya ayun, i-a-avail na lang daw nya ang SSS.